CLICK HERE FOR THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES »

Sunday 8 June 2008

love you

i called mum yesterday while she's at her sari sari sore. the usual ' ano balita' thing! so kwento, kwento, kwento but after 45minutes naubusan na kami ng kwento sabi ko sa kanya magbababay na ako. here's the last few lines before we both put the phone down:



ako: o sya mader babay na at maliligo pa ako habang tulog ang bruhilda.

siya: o cge anak, ingat kayo dyan palagi ha. sabihin mo kay joel mag vitamins.

ako: ok, kumusta nalang kay papa.

siya: i-kiss mo ako sa dalawang bata ha.. i love you anak.

ako: oo, i love you mader.

awww, muntik na akong maluha. mabibilang sa isang kamay ko kung ilang beses ko lang nasabihan si mader na mahal ko sya.unang-una nuong katatapos kong mag cursillo, super iyak ako nuon sabay tulo sipon sabay sabing " (waaahhhh) mommy, sorry salahat ng kasalanan ko sa inyo ni papa ska i love you very much". paulit ulit kong sinasabi yun.

ang gaan ng feeling ko kasi gusto ko lagi sinasabi kay mader na mahal ko sya kaso nauunahan ako ng hiya.hindi kasi kami lumaki ng mga kapatid ko na nag aaylabyuhan sa isa't isa. pipilitin ko na gawing habit yun.

2 comments:

SHIELA said...

kaya ikaw sanayin mo na si jan2x at saka si tashing na mag i love you. yun nga no kung hindi ka sanay nakakahiya sabihin.

anlungkot naman post mo mare :(

n o v e l e n e said...

syempre, iba na pagdating sa mga anak ko. pareho kami ni hanipay na laging nagsasabihan ng ilabyu sa isa't isa saka sa 2 bata...
lungkot nga, umiiyak nga si mader nung early part ng chikahan namin eh. hai, life nga naman